4.5M biyahero, inaasahang dadagsa sa mga pantalan para ipagdiwang ang Pasko

4.5M biyahero, inaasahang dadagsa sa mga pantalan para ipagdiwang ang Pasko

NAGSAGAWA ng inspeksiyon sa mga bagong pasilidad sa loob ng passenger terminal ng Manila North Port ang mga pangunahing opisyal ng Philippine Ports Authority (PPA).

Ito ay kasunod na rin ng pagdagsa ng milyun-milyong pasahero kasunod ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Kabilang sa mga bagong pasilidad sa Manila North Port ay ang Nursing Room, Clinic, Prayer Room, Kid’s playroom at ang air-conditioned area para sa mga buntis, PWDs at senior citizen.

May sapat na bentilasyon sa loob ng pantalan.

Mayroon ding standby ambulance para sa mga seryosong medical assistance.

Sa ngayon, ay tuloy-tuloy ang dagsa ng mga pasahero sa Manila North Port.

May mga magkakabarkada at magkapamilya ring bibiyahe.

Inaasahan ng PPA na magpi-peak ang bilang ng pasahero pagsapit ng Disyembre 22.

Batay sa kanilang forecast, papalo sa mahigit 4.5M ang bilang ng kabuuang pasahero hanggang Enero 5, 2025.

Inaasahan naman na ang pantalan sa Batangas, Panay/Guimaras, Mindoro, Bohol, Bicol ang may pinakamaraming pasahero.

Ngayong Biyernes, inaasahan ng PPA na nasa mahigit 200,000 ang mga biyahero sa lahat ng ports sa buong bansa.

Mga biyahero, pinapayuhan na mag-monitor sa posibleng suspensiyon ng mga biyahe ng barko

Para iwas-aberya, payo ng PPA sa mga pasahero, paghandaang mabuti ang inyong biyahe.

Alamin ang mga bawal sa loob, at mag-monitor sa mga official media sites ng mga shipping lines para sa posibleng suspensiyon ng mga biyahe dahil sa low pressure area.

Para hindi naman mahuli sa biyahe dahil sa traffic, dapat ay maagang pumunta sa pantalan.

“Get early, make sure you monitor the media sites of the shipping lines. I am not sure if the people are aware there is a typhoon in Mindanao. Walang suspension as of now, it changes the moment it became closer o magkaroon ng landfall. Dapat mag monitor early, monitor the tickets,” pahayag ni Atty. Mark Jon Palomar, Asst. General Manager for Operations, PPA.

Ang ibang biyahero hindi naman nahirapan sa pagpabook, at wala naman anila natanggap na abiso ng suspensiyon kaya tuloy-tuloy sila sa pagpunta sa pantalan para sa schedule ng biyahe ng kanilang barko.

Tiniyak naman ng PPA na nakahanda ang mga pantalan sa pagdating ng anumang sama ng panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble