4.6K na kumakandidato sa 2025 elections, naiparehistro na ang socmed accounts—COMELEC

4.6K na kumakandidato sa 2025 elections, naiparehistro na ang socmed accounts—COMELEC

NASA 4.6K (4,646) na mga kumakandidato sa 2025 midterm elections ang nakapagparehistro na ng kanilang official social media accounts sa Commission on Elections (COMELEC).

Ilang araw ito bago ang itinakdang December 13 deadline ng poll body.

Sa datos ng COMELEC, 27 mula sa naturang bilang ay senatorial candidates; 4,500 ang local aspirants; at 119 ang party-list organizations.

Samantala, sinabi na ng poll body na hindi nila palalawigin ang December 13 deadline para sa pagpaparehistro ng socmed accounts.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble