Road repairs sa QC, ikakasa ng DPWH

Road repairs sa QC, ikakasa ng DPWH

IKAKASA ng Department Public Works and Highways (DPWH) ang road repairs sa Quezon City.

Kukumpunihin ng DPWH ang ilang pangunahing lansangan sa Quezon City, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Batay sa abiso ng MMDA, magsismula ang rotomilling at asphalt overlaying activities mula Mayo 19 – 26, 10pm – 5am.

Kabilang sa mga sasailalim sa road reblocking ay ang mga sumusunod:

  1. C-5 E. Rodriguez Jr. Ave. Northbound harapan ng Eastwood Police Station 12 sa kanto ng Mercury Ave. magsisimula ang pag-aayos sa Mayo 17 mula 10pm – 5am ng Mayo 22.
  2. C-5 E. Rodriguez Jr. Ave. Southbound harapan ng Hotel 878 harapan ng Vignet Centre/ SSS, magsisimula ang pag-aayos sa Mayo 17 mula 10pm – 5am ng Mayo 22.
  3. Maginhawa St., Malingap St. sa Matiwasay St. (1st – 4th lane), magsisimula ang pag-aayos sa Mayo 19 mula 10pm – 5am ng Mayo 26.
  4. Ortigas Granada Road pagitan ng Santolan Road at Valencia Creek, magsisimula ang pag-aayos sa Mayo 19 mula 10pm – 5am ng Mayo 26.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang mabigat na trapiko.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter