POSITIBO sa toxic red tide ang apat na coastal areas sa bansa ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ang mga ito ay Dauis at Tagbilaran City, Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at San Benito, Surigao del Norte.
Sa paalala ng BFAR, hindi ligtas para ikunsumo ang lahat na uri ng shellfish lalong-lalo na ang alamang dahil sa red tide.
Tanging mga isda, pusit, hipon, at alimasag ang maaaring kainin mula sa nabanggit na coastal areas.