BUBUKSAN na muli ang apat na entry points sa katimugang bahagi ng Estados Unidos.
Ang mga ito ay ang Eagle Pass, Texas; San Ysidro, California; Lukeville, Arizona; at Nogales, Arizona.
Napagdesisyunan na buksan muli ang apat na entry points matapos bumaba ang bilang ng mga migranteng pumupunta rito para makapasok sa Estados Unidos.
Noong Disyembre 31, 2023, hindi pa aabot sa 500 ang nagbabasakaling migrante sa Eagle Pass kumpara sa mahigit 300-K bago isara ang apat na entry points.
Naniniwala rin ang Estados Unidos na epektibo ang kanilang naging kasunduan sa pagitan ng Mexico hinggil dito.
Isinara ang apat na entry points noong Disyembre 2023.