PINALAYA na ng Bureau of Correction (BuCor) ang nasa 4-K bilanggo simula nang manungkulan si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ayon kay BuCor chief Dir. Gen. Gregorio Catapang, Jr.
Ayon kay Catapang, ang mga napalayang bilanggo ay nabigyan ng parole matapos na pagsilbihan ang kalahati ng kanilang sentensiya, mayroong mabuting pag-uugali, at mga matatanda na.
Ayon kay Catapang, pinapa-bilisan nila SOJ Crispin Remula at Pangulong Marcos ang mga 75 taong gulang pataas dahil sa sakitin na ang mga ito.
Dagdag ni Catapang, nagkaroon ng antala sa pagpapalaya sa mga persons deprived of liberty (PDLs) dahil sa kawalan ng pirma ng mga opisyal ng pamahalaan.