4-k na residente sa Caloocan City, benepisyaryo ng kanilang free livelihood programs

4-k na residente sa Caloocan City, benepisyaryo ng kanilang free livelihood programs

APAT na libong mga residente ng Caloocan City ang benepisyaryo ng libreng livelihood programs ng lungsod sa loob ng 5 buwan.

Sa naturang bilang, 2,882 na indibidwal ay nakapagtapos na habang 1,461 naman ang kasalukuyan pang nasa-programa.

Kinukuha ng mga ito ay ang skill trainings gaya ng housekeeping, automotive services at cosmetology courses.

Available rin naman ang skill trainings tulad ng meat processing maging ang perfume, delicacies, soap at candle making.

Ang libreng training ay isinasagawa ng Caloocan City Manpower Training Center, isang programa sa ilalim ng Public Employment Service Office.

Follow SMNI News on Twitter