NAARESTO ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat na indibidwal sa loob ng hinihinalang drug den at nakuhanan ng humigit-kumulang P102,000 halaga ng shabu matapos ang isinagawang drug buy-bust operation sa South Daang Bakal, Brgy. Dau dakong alas-8:40 ng gabi, nito lang Huwebes ng Marso 7.
Sa report ng PDEA Provincial Office 3 kay Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang mga suspek na sina Raddy Tabuso y Orpiso @ Jobel, 59, James Valencia y Dale, 33, Roel Garcia y Tagala, 27, at patay sa pamamaril na si Bernel Gabalones y Marabot, 36, kapwa mga residente ng Lakadula St. Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga.
May kabuuang walong piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng mahigit sa 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000; sari-saring mga gamit sa droga; at ang buy-bust money.
Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng PDEA Tarlac at Pampanga Provincial Offices.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga naarestong suspek.