KINASUHAN ng Department of Agriculture (DA) ang apat na kompanyang sangkot sa smuggling ng produktong pang-agrikultura.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng pag-blacklist sa ilang kompanya noong Disyembre.
Apat sa mga nasa blacklist ay wala talagang lisensiya para mag-import.
Binawi na rin ang mga lisensiya ng iba pang kompanyang nasa blacklist, at ang mga walang lisensiya ay tuluyan nang pinagbawalan sa pag-import.