4-M bagong botante para sa 2025 midterm elections, posible ayon sa COMELEC

4-M bagong botante para sa 2025 midterm elections, posible ayon sa COMELEC

LUMAGPAS na ang COMELEC sa 3-M na target pagdating sa bilang ng bagong botante para sa 2025 midterm elections.

Batay sa latest data ng komisyon, umabot na sa 3.2m ang nagpatala simula ng buksan nila ang voter registration noong Pebrero.

Sa naturang datos, ang Region IV-A ang mayroong pinakamaraming bagong botante na nasa mahigit 566,000

Samantala, positibo naman si COMELEC Chair Atty. George Garcia, na posible pang umabot sa 4-M ang mga bagong botante hanggang sa pagtatapos ng registration sa buwan ng Setyembre.

Follow SMNI NEWS on Twitter