NAILIGTAS ng mga awtoridad ang apat na babaeng menor de edad sa serye ng operasyon sa Taguig City.
Ayon sa pahayag ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center, ang pagkakaligtas sa mga kabataan ay kasunod ng pagkakaaresto sa isang Australian citizen na sangkot sa human trafficking ng mga kababaihan at online sexual exploitation sa bansa nito.
Natukoy ang mga biktima mula sa kanilang mga litrato na kabilang sa mga exploitation material na nasamsam mula sa suspek.
Kasalukuyan namang dinala ang mga nailigtas na biktima sa tanggapan ng PNP Women and Children Protection Center sa Kampo Krame sa lungsod Quezon.