4 na baybayin sa Pilipinas, positibo sa red tide

4 na baybayin sa Pilipinas, positibo sa red tide

INIULAT ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na apat sa baybayin ng Pilipinas ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide.

Kabilang ang katubigan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Ibig sabihin, hindi maaaring makabili at kumain ng iba’t ibang uri ng shellfish pati na rin ng alamang, isda at hipon galing sa nasabing karagatan.

Sa ngayon, mahigpit na pinapayuhan ng BFAR ang publiko na mag-ingat at huwag munang kumain ng anumang uri ng yamang na galing sa apat na baybayin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter