TINANGGAL sa puwesto at isinailalim sa preventive suspension ang nasa apat na Correction officers dahil sa nangyaring insidente sa New Bilibid Prison (NBP) kamakailan.
Sa pahayag ng Bureau of Corrections (BuCor), isang pagkukulang sa kanilang hanay ang nangyari noong Enero 2 kung kaya’t papanagutin nila ang kanilang mga tauhan.
Sa ulat, nagkaroon ng insidente ng pananaksak 7 AM noong Huwebes, Enero 2 sa Gate1a ng Quadrant 4 ng Bilibid Maximum Security Compound.
Isang preso ang namatay at dalawang iba pa ang sugatan.