ARESTADO ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na mangingisdang Vietnamese na nahuli sa akto ng paggamit ng sodium cyanide sa kanilang pangingisda sa Pag-asa Island.
Ayon sa PCG, isinailalim sa panoramix examination ang mga mangingisda at kinumpirma ng mga awtoridad na isa sa kanila ay menor de edad, partikular na nasa 16-18 taong gulang.
Dagdag pa ng PCG, nilabag nila ang seksyon 91 at 92 ng Republic Act No. 10654 o ang Philippine Fisheries Code of 1998 sa pangingisda sa pamamagitan ng mga pampasabog, panglalason sa mga isda o paggamit ng kuryente.
Samantala ang Pag-asa Island ay ang pinakamalaki sa mga isla na pinangangasiwaan ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group o Spratly Islands.