4 na plebisito at barangay, SK elections sabay na pinaghahandaan ng COMELEC

4 na plebisito at barangay, SK elections sabay na pinaghahandaan ng COMELEC

SABAY na pinaghahandaan ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) ang barangay at SK elections maging ang limang plebisito na gagawin ngayong taon.

Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, hindi na bago na magkakasabay-sabay ang preparasyon nila sa national at local elections at maging sa ginagawang plebisito.

Ang apat na plebisito ay gaganapin sa bahagi ng Saranggani, Albay, Batangas, Maguindanao at Ormoc City sa Leyte.

Unang mangyayari ang plebisito sa Saranggani na gaganapin sa Agosto 20, kung saan gagawing regular barangay ng munisipalidad ng Alabel ang Brgy. New Canaan.

Gagawin naman ang susunod na plebisito sa Setyembre 3 para mai-convert ang munisipalidad ng Calaca bilang component city sa probinsiya ng Batangas.

Ang plebisito sa Maguindanao ay gagawin naman sa Setyembre 17 para mahati ang probinsiya ng Maguindanao sa dalawang distrito na tatawaging probinsiya ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

At ang huling plebisito ay bubuksan sa Oktubre 8 para pag-isahin ang Brgy. District 1 sa Brgy. District 28 at ang pagpapalit ng pangalan ng Brgy. 29 sa Ormoc City.

COMELEC to conduct plebiscites to different localities:

  1. August 20, 2022 Plebiscite to Ratify the Creation of Barangay New Canaan into a Regular and Distinct Barangay in the Municipality of Alabel, Province of Saranggani (Provincial Ordinance No. 2009-6-044; June 29, 2009)

Budget: P3,376,438.20

  1. September 3, 2022 Plebiscite to Ratify the Conversion of the Municipality of Calaca into a Component City of the Province of Batangas (RA11544; May 26, 2021)

Budget: P13,710,375.73

  1. September 17, 2022 Plebiscite to Ratify the Division of the Province of Maguindanao into 2 Districts and Independent Provinces, to be known as the Provinces of Maguindanao del Norte and Maguindanao del Sur (RA11550; May 27, 2021)

Budget: P89,147,012.10

  1. October 8, 2022 Plebiscite to Ratify the Merger of Barangay District 1 with Barangay District 28 and the renaming of Barangay 29 in Ormoc City, Province of Leyte.

Budget: P732,685.60

Ayon kay COMELEC Acting Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ang pondong gagamitin sa mga plebisito ay galing mismo sa mga local government units (LGUs) at inilipat lamang sa poll body.

“Kindly note that the budget/fundings for these plebiscites are sourced from the LGUs involved and merely transferred/transmitted to COMELEC,” ani Laudiangco.

Sinabi naman ni COMELEC Chairman George Garcia na kayang-kayang pagsabayin ng komisyon ang preparasyon ng plebisito at brgy. elections na gagawin sa Disyembre.

Maliban dito ang pagdaraos ng plebisito ay nakasaad sa batas na hindi aniya pwedeng hindi masunod.

Samantala, hangga’t hindi pa gumugulong ang panukalang batas para sa pagpapaliban ng barangay at SK elections ay patuloy pa rin ang preparasyon ng COMELEC.

Sa kabila naman aniya ng mga preparasyon ng COMELEC para sa naturang halalan ay halos hindi pa nagagalaw ang mahigit P8B na budget para dito.

Ayon kay Laudiangco, ito ang inireport ni Atty. Martin B. Niedo, Director IV ng Finance Services Department (FSD).

Minor spending pa lamang aniya ang nagagawa ng COMELEC sa Voter Registration na ginanap noong nakaraang buwan, trainings at workshop activities ng mga personnel, ang para sa procurement ng ballot paper, printing services para sa mga balota at iba pang school supplies.

 

Follow SMNI News on Twitter