4 na proyekto kontra pagbaha, isinusulong ng QC LGU

4 na proyekto kontra pagbaha, isinusulong ng QC LGU

ISINUSULONG ngayon ng Quezon City Local Government ang apat na proyekto na magiging tugon sa epekto ng malalakas na pag-ulan sa flood prone areas sa kanilang lungsod.

Ito ay sa gitna ng sunud-sunod na kalamidad sa bansa kung saan nalubog sa tubig-baha ang ilang barangay doon.

Kabilang sa proposed project ang ‘Tuloy ang Daloy’ Program na nakatuon sa mga drainage para maging flood resistant at climate resilient.

Gayundin ang ‘Palangganang Panglungsod’ na patungkol sa pagbuo ng malawakang water basin.

Sa ngayon ay mayroon nang dalawang natukoy na lugar na pagtatayuan ng naturang proyekto kabilang ang Brgy. Sta. Monica sa District 5 at Tandang Sora sa District 6.

Kasama rin ang water retention project na tinawag na ‘Salong Tubig’ Project na mag-oobliga sa mga barangay na magkaroon ng catch basin; at project seep para sa sustainable permeable pavement.

Pinag-aaralan na rin ng QC government ang pagdaragdag ng evacuation centers pati na rin ang paglalaan ng pondo sa bawat barangay na gagamitin sa pagtugon sa anumang kalamidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter