SUGATAN ang apat na Palestinians matapos inatake ng Israel ang kanilang sasakyan malapit sa Nuseirat Camp sa Gaza.
Ayon sa Israeli military, ang atake ay isinagawa dahil kaduda-duda ang sasakyan na papuntang North Gaza at lumabag na sa itinakdang ruta ng ceasefire agreement.
Hindi ito ang unang pagkakataon na inatake ng Israel ang mga sasakyan sa kabila ng pagsisimula ng ceasefire sa Gaza noong Enero 19, 2025.
Binigyang-diin ng Israeli forces na hindi sila nagpapakumpiyansa sa anumang banta sa kanilang mga naka-deploy na puwersa sa ilang lugar sa Gaza.