ITATAYO sa 3 probinsiya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang 4 panibagong ospital.
Aprubado na ng Bangsamoro Parliament sa ikatlo at huling pagbasa nitong Disyembre 12 ang konstruksiyon ng kanilang apat na bagong general hospitals.
Tig-iisa ang itatayo sa Tawi-Tawi at Lanao del Sur habang dalawa sa Maguindanao del Norte.
Sa naging pahayag nila nitong Disyembre 14, tig-P50M ang ilalaan nilang pondo para sa mga ospital.
Sisimulan ang konstruksiyon nito sa susunod na taon.