4 patay, 15 sugatan dahil sa bumagsak na tulay sa Loay, Bohol

4 patay, 15 sugatan dahil sa bumagsak na tulay sa Loay, Bohol

 

AABOT sa apat katao ang nasawi habang 15 ang nasugatan matapos bumagsak ang lumang tulay ng Clarin sa Loboc River sa Loay, Bohol.

Una nang nasira ang tulay noong 2013 dahil sa lindol ngunit ginagamit pa rin ng mga motorista habang naghihintay na matapos ang bagong tulay.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang search and rescue operations ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Paliwanag ni Governor Art Yap, nasira ang tulay dahil sa naiipong sasakyan sa tulay.

Aniya, marami ring dumadaang cargo vessel sa tulay at hindi na nito nakayanan ang bigat.

Follow SMNI NEWS in Twitter