4 Pilipinong seafarer, kumpirmadong sakay ng barkong hinuli ng Iran

4 Pilipinong seafarer, kumpirmadong sakay ng barkong hinuli ng Iran

KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) na may apat na Pilipinong seafarer ang lulan sa barkong hinuli ng Iran.

Ang container Shio na MSC Aries na may Portuguese na flag ay ino-operate ng Zodiac Maritime Shipping Company kung saan isa sa mga may-ari nito ay ang Israeli na negosyanteng si Eyal Ofer.

Inagaw ng Islamic Revolution Guards Corps (IRGC) Special Naval Forces ng Iran habang naglalayag sa strait ng Hormuz malapit sa Gulf of Oman.

Batay sa ulat, nasa 25 ang crew members ng naturang barko kasama na ang apat na Pinoy.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang DMW sa mga pamilya ng apat na Pilipinong seafarers kasabay ng pagtiyak ng tulong mula sa gobyerno at ang pagpapalaya sa kanilang mga mahal sa buhay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble