4 sports car, nakumpiska ng BOC sa Manila International Container Port

4 sports car, nakumpiska ng BOC sa Manila International Container Port

NAKUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) ang apat na hinihinalang smuggled na mga sports car na itinago sa container na puno ng ukay-ukay sa Manila International Container Port (MICP).

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na nadiskubre ang mga sasakyan na idineklara bilang auto spare parts matapos sumailalim sa pagsusuri kahapon.

Ang mga nakumpiska ay isang Porsche Boxster, Mercedes Benz SLK, at dalawang Toyota MR-S.

Ayon pa sa BOC, ang apat na sasakyan ay orihinal na galing sa Japan at tinatayang nagkakahalaga ng P10 milyon.

Naka-consigned naman ang mga sasakyan sa isang JLFDM Consumer Goods Trading.

Sinabi ng BOC na nag-isyu na sila ng Warrant for Seizure and Detention (WSD) laban sa kargamento dahil sa posibleng paglabag sa Section 1400 ng Republic Act 10863, ang Customs Modernization and Tariff Act.

SMNI NEWS