4 transmission projects ng NGCP, aprubado na ng ERC

4 transmission projects ng NGCP, aprubado na ng ERC

APRUBADO na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang apat na proyekto ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magpapalakas sa power transmission sa Visayas at Luzon.

Kabilang dito ang Granada 230-kilovolt substation project sa Bacolod.

Sa Sumangga, Ormoc, itatayo ang isang 138-kV substation, habang sa Negros Occidental ay ang La Carlota 138-kV substation.

Samantala, sa Eastern Pangasinan ay itatayo ang Nagsaag-Tumana 69-kV transmission line project.

Sa kabuuan, nagkakahalaga ang apat na proyekto ng P4.8B.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble