NATAGPUAN sa washing machine na wala nang buhay ang isang 4-year-old na batang lalaki.
Dalawang araw ito matapos nai-report noong May 26, 2023 na nawawala ang naturang bata sa Las Piñas City.
Ayon kay Las Piñas City Police Chief Col. Jaime Santos, May 28, 2023 nang makita ang katawan ng bata sa bahay ng kaniyang 15 taong gulang na tiyuhin sa Brgy. CAA.
Sinabi ng ina ng 15-years old na posibleng nagkaroon ng aksidente ang 4-years old na bata.
Dahil sa takot na hindi na gumagalaw ang bata ay maaaring ipinasok na ito ng 15-years old sa washing machine.
Sinabi ng pamilya ng biktima na iniwan ang bata sa kustodiya ng kanyang tiyuhin noong May 26.
Samantala, naniniwala ang pamilya ng biktima na hindi aksidente ang pagkamatay ng kanilang anak.
Dahil dito, iniimbestigahan na ng pulisya kung may foul play sa likod ng pagkamatay.