40% modern public transport sa Metro Manila, inaasahan ng LTFRB sa 2027

40% modern public transport sa Metro Manila, inaasahan ng LTFRB sa 2027

UMAASA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na at least 40% sa mga modernized public transport ay mag-ooperate na sa Metro Manila sa taong 2027.

Sinabi ito ng ahensiya matapos binigyan lang din ng hanggang taong 2027 ang operators ng traditional jeepneys na sumunod sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ang aplikasyon naman para sa consolidation ay hanggang noong Nobyembre 29, 2024 lamang.

Orihinal itong natapos noong Abril 30 subalit muling binuksan noong Oktubre 15 na nagtapos nga noong nakaraang buwan.

Sa ngayon ay sinimulan na rin ng LTFRB ang pagpapa-impound ng mga jeep na hindi sumali sa consolidation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble