40% ng mga kabataan sa Australia, nais mangibang bansa ayon sa isang pag-aaral 

40% ng mga kabataan sa Australia, nais mangibang bansa ayon sa isang pag-aaral 

ISANG bagong pag-aaral ang nagsasabing 40% ng mga Australian na nasa edad 18-29 ang nakakaisip na mangibang bansa sa susunod na taon.

Ayon sa huling Australianow Study ng Quantum Market Research, lumalabas na maraming kabataan sa Australia ang nangangarap na mangibang bansa at doon na manirahan.

Ayon sa bagong datos 40% ng mga Australian na nasa edad 18-29 ang nakakaisip na kumuha ng visa sa ibang bansa upang makahanap ng mas magandang trabaho.

Katumbas naman ang porsyento na ito ng 600k katao.

Sa mga indibidwal na ito ay marami na ang nakakaisip na lumipat at mag-migrate sa susunod na taon.

Ang bagong datos na ito ay mas mataas ng 20 porsyento kumpara sa mga survey na naiulat mula Marso 2020-Agosto 2022.

Ang dumaraming bilang ng mga Australian na nais lumipat sa ibang bansa ay inaasahan namang mas lalago sa susunod na mga buwan.

 

Follow SMNI News on Twitter