40 pamilya sa Caloocan, nabigyan ng titulo ng lupa mula sa NHA

40 pamilya sa Caloocan, nabigyan ng titulo ng lupa mula sa NHA

NABIGYAN ang nasa 40 pamilya mula sa Tala Resettlement Project ng titulo ng lupa o transfer certificate of titles ng National Housing Authority (NHA) sa pakipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City.

Ang seremonya na idinaos sa Tala Glorietta Park ay sinabayan din ng paglagda para sa deeds of donation ng NHA para sa mga open spaces, pathways, at kalsada para i-donate sa Phase 3-A ng naturang resettlement project.

Sinabi ni Caloocan City Mayor Dale Malapitan na siya ring vice chairman ng Tala Development Project sa ilalim ng NHA na  sana ay maging inspirasyon sa mga benepisyaryo ang natanggap nilang mga titulo ng lupa pati na ang mga open space at pathways na ipinagkaloob ng NHA at gawing masaya ang tahanan at komunidad.

Kinilala naman at pinasalamatan ng alkalde ang suporta ng NHA at ng City Housing and Resettlement Office dahil magdudulot aniya ito ng magandang kapakanan ng mga residente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter