400 dating miyembro ng MILF, MNLF, magiging pulis na matapos ang 2023

400 dating miyembro ng MILF, MNLF, magiging pulis na matapos ang 2023

MAGIGING pulis ang nasa 400 dating miyembro ng mga rebeldeng grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).

Ito ang target ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa katapusan ng taong 2023.

Ito ang inihayag ng DILG Sec. Benhur Abalos sa nagpapatuloy na recruitment ngayon mula sa MILF at MNLF.

Bahagi ito ng kasunduang pangkapayapaan na nakasaad sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa ilalim ng BOL, ang mga dating rebelde na nais maging pulis ay tatanggapin kahit wala sa height, edad at educational requirements.

Pero una nang nilinaw ni National Police Commission Commissioner Alberto Bernardo na ang mga matatanggap ay bibigyan ng 15 taon para i-comply ang kanilang kinakailangang educational attainment.

Nagsimula ang recruitment process noong Mayo 2022 partikular na sa mga dating miyembro ng MILF at MNLF na nais maging kabahagi ng PNP.

Follow SMNI NEWS on Twitter