400-K na Sinovac vaccine na donasyon mula sa China, inaasahang dumating ngayong linggo

DARATING ngayong linggo ang karagdagang 400,000 dosis ng Coronavac vaccine ng Sinovac Biotech na donasyon mula China ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Ito na ang pangalawang batch ng mga Sinovac vaccine na donasyon ng China matapos dumating sa bansa ang 600,000 dosis noong Pebrero 28.

“My team has been working round the clock with our Philippine counterparts for the arrival later this week of 400,000 doses of COVID-19 vaccines donated by the Chinese government,” ayon sa pahayag ni Haung.

Binigyang-diin ni Huang ang kahalagahan na mabakunahan ang mga Pilipino sa mas madaling panahon sa gitna ng muling pagtaas ng mga kaso sa bansa at ang paglaganap ng bagong variant ng virus na siyang nagdulot ng COVID-19.

“We need to race against time in our efforts to speed up the ass inoculation process,” ani Huang.

Nagsimula ang vaccination program ng bansa noong Marso 1 isang araw matapos dumating ang unang batch ng CoronaVac vaccine sa bansa.

Bukod sa donasyon, nakatakda ring bumili ang Pilipinas ng isang milyong Sinovac sa China na inaasahan na darating sa huling araw ng Marso o unang bahagi ng buwan ng Abril.

(BASAHIN: 2.3-M COVID-19 vaccine, inaasahang darating ngayon buwan hanggang Abril)

Inaasahan din ang pagdating ng 979,200 dosis ng AstraZeneca ng World Health Organization (WHO) sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Nakatakda rin ang pagdating ng Novavax vaccine sa pangalawa o pangatlong kwarter ng taong 2021 matapos makabili ang bansa ng 30 milyong dosis nito mula sa bansang India.

(BASAHIN: 30-M dosis ng Novavax vaccine, nabili na ng bansa mula India)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.