INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang $400 million na loan ng Pilipinas para makatulong sa pagbili ng COVID-19 vaccines.
Ayon sa ADB, ang nasabing tulong ay bahagi ng Asia Pacific Vaccine Access Facility (APVAX) nito.
Sinuportahan naman ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ang proyekto ng karagdagang $300 million ayon sa ADB.
Ang loan mula sa ADB at AIIB ay ilalaan para sa pagbili ng hanggang 110 milyong dosis ng COVID-19 vaccines para sa 50 milyong mga Pilipino.
“ADB’s support will boost the Philippine government’s urgent efforts to secure and deploy COVID-19 vaccines for all Filipinos, especially those who are vulnerable, such as the frontline workers, the elderly, and poor and marginalized populations, as well as those at increased risk of severe illness,” ayon kay ADB President Masatsugu Asakawa.
“With this financing, ADB seeks to help the country to save lives and allow Filipinos to return to normal life as soon as possible,” dagdag ni Asakawa.
Ayon kay Asakawa, napakahalaga ng bakuna upang mataguyod ang pagrekober sa ekonomiya at tumatag muli ang mga kabuhayan at maibalik ang mga trabaho.
Ang APVAX project ay tutulong din sa Department of Health (DOH) na matiyak ang paghatid ng mga bakuna na pinagtibay ng COVID-19 Vaccine Global Access Facility (COVAX) at bilateral vaccine suppliers na naaabot ang criteria ng kuwalipikasyon ng APAX.