41st Infantry Battalion, kampeon sa Alakdan Patrol Challenge

41st Infantry Battalion, kampeon sa Alakdan Patrol Challenge

NAGKAMPEON ang 41st Infantry Battalion sa isinagawang 2nd Alakdan Patrol Challenge 2022 sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Major Emerson Ian Borja, acting training chief ng 11th Infantry “Alakdan” Division, mula sa siyam na yunit ng dibisyon, nakakuha ang 41IB ng total completion time na 5 hours, 53 minutes at 47 seconds para manguna sa patrol challenge.

Sinabi ni Sergeant Jan-Jan Tenebro, squad leader sa ilalim ng 41IB na ang teamwork at stability under pressure ng kanilang squad ang naging susi para tanghalin silang kampeon.

Isinagawa ang Alakdan Patrol Challenge upang subukan ang antas ng kakayahan, pagkakaisa, at tibay ng mga squad.

Kabilang na rito ang land navigation, signal communication, field stripping, obstacle course, endurance firing, at tactical combat casualty care.

Follow SMNI NEWS in Twitter