42 tauhan ng MRT-3, nagpositibo sa coronavirus disease

UMABOT sa 42 ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)  ang mga tauhan ng MRT- 3 ayon sa kumpirmasyon ng pamunuan nito.

Unang nagpositibo ang 33 personnel noong Enero 20 at nadagdagan ito ng tatlo pa kahapon, Enero 27.

Nagpositibo rin ang anim na tauhan mula sa MRT-3 Maintenance Service Provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

Isinailalim na sa quarantine ang mga nagpositibo sa COVID-19.

Kaagad na ring isinagawa ang contact tracing matapos ang inisyal na report ng nasabing kaso at inilipat na rin sa work from home arrangement ang lahat ng MRT-3 Depot Office Personnel.

Patuloy naman na ipatutupad ng MRT-3 ang health and safety procedure upang maiwasan ang transmisyon sa publiko.

Kabilang ang paglimita sa kapasidad ng mga tren, pagsuot ng PPE ng mga Stations Personnel, health screening ng mga pumapasok na mga pasahero at personnel, regular na disinfection ng mga tren at pasilidad nito, paglalagay ng mga disinfection sa mga istasyon, pag-deploy ng mga transport marshal upang matiyak na masunod ang health and safety measures.

SMNI NEWS