43 katao sa Indonesia, inaresto dahil sa riot sa Batam

43 katao sa Indonesia, inaresto dahil sa riot sa Batam

ARESTADO ang 43 katao sa Indonesia matapos magdulot ng riot at pang-aatake sa mga pulis sa Batam City.

Nitong Lunes ay nagsagawa ng protesta ang nasa 100 demonstrador sa harapan ng tanggapan ng BP Batam dahil sa planong i-relocate ang mga komunidad para sa gagawing industrial park o Rempang Eco City.

Ayon naman kay Indonesian President Joko Widodo, plano ng gobyerno na magbigay ng lupa sa bawat residente ng Rempang Island bilang kabayaran sa paglipat ngunit hindi ito naipaliwanag nang maayos sa mga tao na naging sanhi ng riot.

Samantala, ang mga residenteng ililipat sa Rempang Island ay makatatanggap ng cash assistance hanggang sa makumpleto ang kanilang lilipatang lugar.

Tinatayang nasa 700 pamilya naman ang mare-relocate.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble