437 public officials at mga kasabwat, kinasuhan dahil sa anomalya sa SAP distribution

437 public officials at mga kasabwat, kinasuhan dahil sa anomalya sa SAP distribution

UMAABOT na sa 437 na local elected at appointed public officials at kanilang mga kasabwat ang nahaharap ngayon sa reklamo dahil sa anomalya sa pamamahagi ng unang tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Bukod dito, sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mayroon pang 626 na sumasailalim sa imbestigasyon ng PNP-CIDG.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa 437 na naisampang reklamo sa prosecutor’s office ng Department of Justice dahil sa korupsiyon sa SAP distribution, 203 dito ang elected public officials.

Kinabibilangan ang nasabing elected public officials ng mga alkalde, city/municipal councilors, barangay captains, barangay kagawads, SK chairmen at SK councilors.

Nasa 102 naman aniya ang nasampahan na barangay at city personnel.

Kabilang dito ang barangay secretaries, barangay treasurers, barangay health workers, home owner’s association officers, purok leaders.

Kabilang din ang city/municipal social welfare and development officer, SAP enumerators at daycare teachers habang ang natitirang 132 ay mga sibilyan na mga kasabwat ng mga ito.

Dagdag pa ng DILG chief, mayorya sa isinampang kaso sa mga tiwaling opisyal ay paglabag sa Republic Act (RA) 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act; RA 11469 o Bayanihan Act; at RA 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.