43M halaga ng electronic products, nasamsam sa Meycauayan, Bulacan

43M halaga ng electronic products, nasamsam sa Meycauayan, Bulacan

SA bisa ng search warrant, nakumpiska ang mahigit 3,000 electronic products ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa ikinasang raid sa Meycauayan City, Bulacan.

Kabilang rito ang ilang smart TV units mula sa iba’t ibang brand, ilang TV parts, monitors, at iba pang electronics na devices na nagkakahalaga ng mahigit P43 milyon.

Arestado sa nasabing operasyon si Chi Ho, may-ari ng Hot Screen Electric Corporation, na matatagpuan sa Sterling Industrial Park, Barangay Libtong.

Ayon sa CIDG mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Consumer Act of the Philippines.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter