43rd Anniversary ng ‘Regional Rehabilitation Center for Youth’, matagumpay na idinaos

43rd Anniversary ng ‘Regional Rehabilitation Center for Youth’, matagumpay na idinaos

MATAGUMPAY na idinaos ang 43rd founding anniversary ng Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY).

Ito ay may tema na ‘Pagkakaisa Tungo sa Kinabukasang Payapa’.

Dumalo sa nasabing special day ang mga representante mula sa Local Social Welfare and Development Offices at Society Organizations.

Ang nasabing aktibidad ay naging posible sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), LAMA House of Ministries, Bacnotan Senior Citizen Association at Don Eulogio de Guzman Memorial National High School na patuloy ring nakikipag-ugnayan sa center.

Personal din itong dinaluhan ni Atty. Cristina Cariño, bilang guest speaker kung saan binigyang-diin nito ang pagpapatawad sa sarili at sa kapwa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter