444 wanted persons, naaresto sa isang araw na operasyon ng pulisya

444 wanted persons, naaresto sa isang araw na operasyon ng pulisya

NAARESTO ng Police Regional Office (PRO) 4A ang 444 wanted persons sa isang araw na pagsisilbi ng warrant of arrest sa kanilang rehiyon.

Sa nasabing bilang, 125 ang most wanted persons at 319 ang iba pang wanted persons.

Kabilang sa kinasangkutang krimen ng mga nahuli ay ang homicide, rape, murder at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nanguna ang Rizal Police Provincial Office sa may pinakamaraming nahuli na umabot sa 147 wanted persons.

Habang nanguna ang Quezon Police Provincial Office sa may pinakamaraming naisilbing warrant of arrest.

Iginiit ni PRO 4A regional director Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez, Jr. na naging matagumpay ang operasyon sa tulong ng mga miyembro ng komunidad at Barangay Information Networks.

Follow SMNI NEWS in Twitter