MAS maraming Pilipino ang hindi sang-ayon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Pulse Asia Research, Inc., na nagpapakita ng malinaw na pulso ng bayan sa kontrobersyal na isyu.
Batay sa datos, 45% ng mga Pilipino ang tutol sa impeachment laban kay VP Sara, habang 26% naman ang pabor dito.
Samantala, 23% ng mga respondents ang hindi makapagpasya kung sila ba ay sang-ayon o hindi, habang ang natitirang 7% ay walang opinyon dahil umano sa kakulangan ng kaalaman sa isyu.
Sa Mindanao, kung saan nagmula si VP Duterte, 88% ng mga Pilipino ang hindi pabor sa kanyang impeachment—isang indikasyon ng matibay na suporta para sa pangalawang pangulo.
Samantala, lumabas din sa survey na 35% ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi magiging patas ang Senado bilang impeachment court, habang 21% lang ang naniniwalang magiging patas ang paglilitis.