“PROBLEMATIC” ang nasa 45 na proyekto na pinopondohan ng foreign loans o grants ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).
Ang 30 pa na proyekto mula sa 45 ay nasa critical stage.
Madalas na sanhi ng pagiging problematic ng mga proyekto ay ang problema sa right-of-way, procurement ng mga materyales at regulatory compliance.
Samantala, maliban pa sa mga ito ay nasa 10 na rin na mga proyekto ang ipinangangambahang magiging problematic.
Sa katunayan, nasa tatlo lang ayon sa NEDA ang nakikitang walang mga isyu.