INAPRUBAHAN na rin ng Asian Development Bank (ADB) ang nasa $450-M na loan ng bansa para sa pagpapaunlad ng sektor ng kalusugan.
Partikular na gagamitin ang halagang ito sa mas mabuting access ng mga Pilipino sa serbisyong pagkalusugan, pagsuporta ng Universal Health Care coverage at pagtutok sa gender-specific health issues.
Gagamitin din ito ng gobyerno para sa green and safe health facilities scheme, mas malawak na health promotion activities at performance incentives sa local government units (LGUs).
Nauna nang inaprubahan ng ADB ang $200-M na halaga ng loan din ng Pilipinas para sa pagtatayo ng high-quality at climate-resilient infrastructure projects.
Ayon kay ADB Senior Transport Specialist Daisuke Mizusawa, umaasa sila na ang inaprubahang loan ay makatutulong para mas lumago pa ang ekonomiya ng Pilipinas.