SA ilalim ng Enhanced Comprehensive Integration Program o E-CLIP, tinanggap ng 17 dating mga rebelde na miyembro ng CPP-NPA-NDF ng Agusan del Norte ang housing assistance mula sa National Housing Authority (NHA) na nagkakahalaga ng P450,000 bawat isa.
Sa pangunguna ng Task Force Balik-Loob program ng pamahalaan, hindi na mabilang ang natulungan at napakalooban ng ayuda na mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kabilang na dito ang pagbili ng mga materyales at pagpapatayo mismo ng kanilang sariling tahanan sa isang lote na libreng ipinagkaloob ng San Roque Metals, Incorporated na matatagpuan sa Brgy del Pilar, Cabadbaran City, Agusan del Norte.
Ayon kay TFBL chairman at DND Undersecretary Reynaldo B. Mapagu, patunay aniya ito na hindi ito pangakong napako ni Pangulong Duterte para sa mga interesadong magbalik-loob sa lipunan.
Umaasa rin si Mapagu na magiging daan ang mga dating kasapi ng CPP-NPA sa pagsuko pa ng mas maraming bilang ng mga dating miyembro ng mga armadong grupo sa rehiyon ng CARAGA at buong Northern Mindanao dahil sa mga magandang kinabukasan na naghihintay para sa kanila.
“Kayo ang patunay na sinsero ang ating mahal na pangulo at ang ating gobyerno sa mga alok nya sa mga former rebels. Sana kayu ang maging instrumento at tagapaghatid ng mensahe sa mga dati nyong kasamahan na magbalik loob narin sa gobyerno upang malaman nila na may magandang kinabukasan kung magbabalik loob,” pahayag ni Mapagu.
Mula sa nasabing seremonya, personal na hinangaan ng AFP ang katapatan ng mga katapangan at katapatan ng mga dating rebelde para sa panawagan ng pamahalaan na pagbabago kasama ng bukal sa pusong pagtanggap ng mga ito sa kamay ng payapang pamayanan.
“Itong seremonya na ginagawa natin ay upang magbigay ng tulong sa ating mga FRs at hindi lamang ito tagumpay ng kasundaluhan kundi isang tagumpay ng buong pamayanan na nagkakaisa para sa kapayapaan at kaunlaran. Sa mga former rebels, malugod naming kayung tinatanggap,” ayon naman kay Lt.Gen. Greg T. Almerol, commander, Eastern Mindanao Command, AFP.
Muli namang iginiit ni AFP MGen. Romeo S. Brawner Jr, commander ng 4ID, na hindi nagkamali ng desisyon ang nasabing mga benepisyaryo ng Balik-Loob Program ng pamahalaan dahil sa nakakapagod aniya na laban maling karapatan.
Kaya naman, payo nito sa lahat, ito na ang panahon para sa mga natitira pang miyembro ng CPP-NPA na magsipagsuko na upang makapiling ang mga pamilya nito ng maayos at mapayapa kasama ng pamahalaan.
“You have suffered enough from this futile armed struggle. This is high time for you to return to the folds of the law. You have now the chance to live in peace with a new home with your family,” ayon kay Brawner.
Ipinagmalaki naman ng AFP, mula sa 17 nagsipagsuko sa pamahalaan, pito dito ay kasalukuyan nang nagsisilbi bilang CAFGU, pito ay mga enlisted sa Philippine Army habang ang natitirang tatlo ay mapayapang nakabalik sa kanilang komunidad.
Nauna nang sinabi ng AFP na unti-unti nang natitibag sa pamamagitan good governance ang mga propaganda ng makakaliwa at armadong grupo na CPP-NPA-NDF sa bansa.
Isa rin ito sa mga bagay na patuloy pang binabantayan ng mga otoridad upang tuluyang nang matapos ang problema ng insurhensiya sa bansa.
BASAHIN: Dating Senator Enrile, kinontra ang mungkahi ni VP Robredo sa NTF-ELCAC