46% ng mga Pilipino, naniniwalang magiging maayos ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan

46% ng mga Pilipino, naniniwalang magiging maayos ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan

NASA 46% na mga Pilipino ang naniniwalang magiging maayos ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan.

Ito ay batay sa isinagawang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula noong Abril 19 hanggang 27 sa 1,440 na respondents.

Nakapagtala naman ang SWS ng 28% ng mga Pilipino ang nagsasabing walang magiging pagbabago sa ekonomiya ng bansa.

Habang nasa 6% naman ang nagsasabing mas lalala pa ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter