NASA 47 na senatorial aspirants ang idineklarang nuisance candidates ng Commission on Elections (COMELEC).
Batay ito sa desisyon ng first at second divisions ng poll body.
Nilinaw ng COMELEC na maaari pang umapela ng mga idineklarang nuisance candidates ang ruling na ito.
Sa ngayon, nasa 66 pa lang ang ikinokonsiderang official senatorial candidates para sa 2025 mid-term elections.