POSIBLENG nasa 47K (46,993) katao ang magiging casualty kung tatama ang ‘The Big One’ sa Pilipinas ngayong taon.
Ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Binabagtas ng West Valley Fault ang ilang bahagi ng Quezon City, Marikina, Pasig, Makati, Taguig, at Muntinlupa maging sa Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite.
Ang ‘The Big One’ naman ay ang inaasahang malawakang lindol na maaaring ma-trigger sa paggalaw ng West Valley Fault, isang major fault line.
Dagdag pa ng NDRRMC, posibleng aabot ang ‘The Big One’ ng mahigit 7.2 magnitude kung kaya’t inaasahan din ang matinding pinsala lalong-lalo na sa mga matataong lugar.