48.68 kilo ng shabu, sinira sa Zamboanga del Sur

48.68 kilo ng shabu, sinira sa Zamboanga del Sur

SINIRA nitong February 12, 2025 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aabot sa 48.68 kilo ng shabu sa Aurora, Zamboanga del Sur.

Ang mga shabu ay may street value na 331.2 million pesos at ayon sa PDEA-Region 9, ito na ang pinakamalaking halaga ng iligal na droga na nasabat sa rehiyon.

Sa pahayag ng ahensya, ang mga shabu ay nasabat noong nakaraang taon sa zamboanga peninsula at Zamboanga del Sur.

Kasabay ng mga shabu ay sinira rin ng PDEA-Region 9 ang libu-libong expired na mga gamot.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble