Mahigit 487,000 dosis ng AstraZeneca, darating na sa bansa bukas

DARATING na sa bansa bukas ang mahigit sa 487,000 na dosis ng AstraZeneca mula sa COVAX Facility bukas, Marso 4.

Ayon ito sa kumpirmasyon ni Senator Christopher “Bong” Go at ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.

“Philippines is set to receive 487,200 doses of AstraZeneca vaccines tomorrow, March 4, 2021, 7:30PM, as part of the first round of allocated doses from the COVAX facility,” ayon kay Roque.

“AstraZeneca’s expected time of arrival is based on the scheduled handover of vaccines. We will notify everyone, if and when there is a change of schedule,” dagdag ni Roque.

Personal din nila itong sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Villamor Airbase, Pasay City.

February 28 nang dumating ang unang batch ng 600, 000 dosis ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac mula China, ang CoronaVac vaccine.

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pag-turnover ng nasabing mga bakuna.

Mula sa Villamor Air Base, inilulan ang mga bakuna sa anim na 40-footer na trak na inihatid patungong sa cold chain storage facilities sa Philippine General Hospital (PGH) at sa Metropac Logistics sa Marikina City.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.