NATANGGAP na ng bansa ang unang batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng COVAX Facility, isang global vaccine-sharing initiative.
Dumating sa NAIA Airport ang 487,200 dosis ng bakuna alas 7:19 ng gabi, maaga ng ilang minuto mula sa inaasahang oras ng pagdating.
Kasalukuyang nasa Villamor Air Base sa Pasay City ang eroplanong may dala ng AstraZeneca vaccine.
JUST IN: Unang batch ng #AstraZeneca COVID-19 vaccine mula COVAX facility na lulan ng KLM Royal Dutch Airlines flight KL803 mula Amsterdam (via Bangkok), lumapag na ng bansa. | via Cresilyn Catarong
? NTF COVID19 pic.twitter.com/GjzTEIxpwT
— SMNI News (@smninews) March 4, 2021
Ito na ang ikalawang batch ng mga bakuna na dumating sa bansa matapos ang pagdating ng Sinovac vaccine mula sa China noong Linggo.
Nakatakda namang tumanggap ang bansa ng 5.6 milyong COVID-19 vaccine mula sa COVAX Facility.
Babayaran ng pamahalaan ang one-fourth ng mga dosis at ang natitira ay ibibigay nang libre.
Matatandaang sinabi ng World Health Organization (WHO) na ihahatid sa bansa ang 4.5 milyong AstraZeneca doses mula Marso hanggang Mayo sa pamamagitan ng COVAX Facility.
Wala pang eksaktong petsa
Samantala, wala pang eksaktong petsa sa pagdating ng iba pang batch ng bakuna mula sa COVAX Facility.
Ito ang inihayag ni World Health Organization Representative to the Philippines, Dr. Rabindra Abeyasinghe.
“We expect 4.5 million doses of AstraZeneca vaccine to arrive we don’t have the exact schedule now but they will be coming in large of batches possibly,” ayon kay Abeyasinghe.
Ayon pa kay Dr. Abiyasinghe, dapat ihanda ng bansa ang mga pasilidad sa pagtanggap ng malaking bilang ng mga bakuna mula sa COVAX Facility.
Bukod pa rito, dapat sundin ng gobyerno ang vaccination framework nito upang matiyak na mabakunahan ang mga sektor na at risk sa nasabing virus katulad ng mga health workers at senior citizens.