49 barangay sa San Miguel, Bulacan, binaha

49 barangay sa San Miguel, Bulacan, binaha

TINATAYANG nasa 49 barangay ang binaha at mayroon nang casualty na lima sa kanilang lugar kasunod sa pananalasa ng Bagyong Karding.

Ito ay batay sa report ni San Miguel, Bulacan Mayor Roderick Tiongson nitong Lunes.

Inihayag ng alkalde na nagiging sanhi ng mabilisang pagbaha ng lalawigan ang pagku-quarry sa kabundukan.

Sa Laging Handa public briefing, binigyang-diin ng San Miguel Mayor na napakahalaga na panatilihin o mai-preserve, pag-ingatan at pangalagaan ang kalikasan lalo na ang mga kabundukan.

Giit ni Tiongson, kung hindi dahil sa Sierra Madre ay marahil tumama nang buong-buo sa bayan ng San Miguel ang Bagyong Karding.

Ang pagka-quarry o quarrying ay isang proseso ng pagkuha ng mga bato, buhangin, at iba pang materyales sa pamamagitan ng paghuhukay, pagbabarena o kaya’y pagpapasabog.

Madalas na ang kinu-quarry ay ang mga bundok na pinagkukunan ng mga bato maging ang tabing-dagat na pinagkukunan ng buhangin.

Follow SMNI NEWS in Twitter