49th Nutrition Month sa Cebu City, dinagsa ng publiko 

49th Nutrition Month sa Cebu City, dinagsa ng publiko 

DINAGSA ng mga Cebuano ang pagbubukas ng 49th Nutrition Month Celebration na ginanap sa Plaza Sugbo, Cebu City kaisa ang Central Visayas Regional Nutrition Committee at Cebu City Government.

Sa temang “Healthy Diet Gawing Affordable For All”, naging matagumpay ang regional launching ng 49th Nutrition Month Celebration na sinimulan nitong Hulyo 4.

Layon nitong mabigyan ng kamalayan ang publiko sa kahalagahan ng healthy diet at mabigyan ng edukasyon ang lahat sa iba’t ibang kapamaraanan o diskarte na maging affordable ang mga masusustansiyang pagkain.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng National Nutrition Council Region 7 na suportado ng Central Visayas Regional Nutrition Committee, Cebu City Nutrition Committee, national government agencies, barangay nutrition scholars, barangay health workers at marami pang iba.

Ayon kay Dr. Parolita Mission, Regional Nutrition Council Coordinator, ng NNC7, idinadaos ang nutrition month kada-taon tuwing buwan ng Hulyo.

“Principally, this is to raise awareness among our people on the importance of nutrition. This year’s ‘Healthy Diet Gawing Affordable For All’ ating binibigyan ng emphasis ang affordability of food kasi medyo mataas ang ating statistics, almost half, that’s 43 percent of our population na hindi maka afford sa healthy diet,” saad ni Dr. Parolita Mission, Regional Nutrition Council Coordinator, ng NNC7.

Nais din ng ahensiya na bigyan ng kamalayan ang mga Pilipino na mapadali ang access sa wastong nutrisyon sa pamamagitan ng pagtatanim.

“Na ang ordinary Juan at Juana can afford healthy diet sa pamamagitan ng pagtatanim sa kapaligiran, dahil wala itong bayad dahil ikaw mismo ang magtatanim at maari mong maidagdag sa iyong pagkain,” ayon pa kay Dra. Mission..

Tampok din sa naturang aktibidad ang “Afoodable Fair”, kung saan mabibili ang iba’t ibang pagkain na masustansya ngunit nasa murang halaga.

Mayroon ding iba’t ibang aktibidad tulad ng nutri recipe, isang cooking contest, pagtalakay ng food security in the household and basic urban gardening tips, diet counseling, random blood sugar and cholesterol determination, palarong pang nutrisyon at nutri-quizzes.

Sa huli, nananawagan si Dra. Mission sa ating mga policy makers na gumawa ng hakbang para mabawasan ang mga processed foods at matulungan ang ating mga food producers gaya ng mga magsasaka.

“For our policy makers, ma-reduce sana natin ang availability sa mga processed food, alam naman natin na unhealthy ang mga ito, mataas ‘yung salt at sugar content gaya na lamang sa ating mga sugar, sweetened beverages. Sa pamamagitan ng taxation and provide subsidies sa mga income challenged na mga families as well as mabigyan ng suporta ang ating mga local farmer, para ma-subsidies ang cost sa production that would contribute the reduction costs,” aniya.

Umaasa ang pamunuan ng National Nutrition Council Region 7, na sa pamamagitan ng pagkakaisa, makabubuo tayo ng isang komunidad kung saan, ang bawat isa ay may access sa pagkain na healthy at swak sa budget.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter