5.2 magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

NIYANIG ng 5.2 magnitude na lindol ang Davao Occidental ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Tectonic ang pinagmulan ng lindol sa 318 kilometro timog silangan ng bayan ng Sarangani kaninang alas 6:25 ng umaga na may lalim na 79 kilometro.

Wala namang itinalang intensities at instrumental intensities sa earthquake bulletin ng Phivolcs.

Wala ring inaasahang aftershocks o pinsala mula sa nasabing lindol.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.