5-21M na inidibidwal target mabakunahan sa ‘Special Week’ Vaccination Drive ng DOH

5-21M na inidibidwal target mabakunahan sa ‘Special Week’ Vaccination Drive ng DOH

PIPILITIN ng Department of Health (DOH) na sa Special Week ng bakunahan sa Setyembre 26 – 30 ng kasakuluyang taon ay nasa 5-21 milyon ang kanilang mababakunahan ng booster shot.

Ito ay para aniya mahabol ang 23M na target nilang mabakunahan hanggang Oktubre 8 para makamit ang 50 percent booster coverage sa ilalim ng PinasLakas campaign.

Isa ito sa mga gustong makamit ng DOH sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Gagawin ang intensified vaccination sa nasabing petsa, sa lahat ng rehiyon sa bansa.

 “And we have computed, kung magkakaroon tayo ng intense effort, during this campaign, we can be able to achieve at least, 5 million to 21 million during that time by October 8,” pahayag ni Vergeire.

Sa ngayon napakalayo pa ng DOH sa target nito.

Mula sa 23M, ay mahigit 2M pa lamang ang nabo-booster simula nang simulan ang PinasLakas campaign noong July 25.

“Sa ating first booster, mayroon pa lang po tayong, 2.2 M plus, and this is almost 10 percent, of the coverage, by October 8 to give that push,” ayon kay Vergeire.

Samantala ayon sa Cebu City LGU, iiral ang kanilang voluntary facemask policy mula Setyembre 1, hanggang December 2022.

Sakali aniyang magkakaroon ng surge, ipahihinto ng lokal na pamahalaan ang naturang polisiya.

Pero ang DOH hindi aware sa hakbang na ito ng lokal na pamahalaan at kanila aniya itong pag-uusapan sa IATF para makagawa ng rekomendasyon.

 “So pag-uusapan po ito ng mga ahensiya ng gobyerno ng mga ahensya na kasama natin, para magkaroon po tayo ng rekomendasyon, sa ating Presidente, remember IATF is recommendatory, to the Office of the President, so we will be discussing all of these issues, later on, and we will be informing the public, once the President has decided already,” ani Vergeire.

Panig naman si UP PGH Emergency Medicine Chairman Dr. Ted Herbosa sa DOH sa pagdating sa pagpapasuot ng face mask.

Hindi aniya irerekomenda ni Herbosa na tularan ng ibang LGU ang Cebu City.

Sinabi rin ni Herbosa na sa ngayon ay napupuno na ulit ang COVID-19 ward sa PGH.

 

Follow SMNI News on Twitter